Dennis Roldan nangaral ng Bibliya sa ISAFP, mga opisyal nainsulto
Isa umanong insulto sa mga opisyal at tauhan ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang ginawang pangangaral ng Bibliya ng dating aktor at ex-Quezon City congressman Dennis Roldan sa compound ng ISAFP nitong Lunes.
Laking gulat umano ng mga empleyado ng makita ang presensya ni Roldan sa compound ng ISAFP kung saan matapos ang flag raising ceremony ay umakto itong preacher at nangaral tungkol sa mga turo ng Bibliya.
“Why him of all the people to lecture on us on the word of God,” naiiling na sabi pa ng opisyal.
Agad namang sinibak ni ISAFP Chief Brig. Gen. Arsenio Arugay si Major Fernando Ciscar, Chief of Personnel ng nasabing tanggapan dahil sa insidente.
“ When I knew that Mr. Roldan was invited I immediately reprimand Major Ciscar. In the military that is the way we reprimand our men for their actions,” mahigpit na tinuran ni Arugay sa pagsasabing importante sa AFP ang usapin ng moralidad at kaugalian.
Sinabi pa nito na ng maganap ang insidente ay wala siya sa flag raising at nalaman lamang niya ito sa kaniyang mga opisyal kung saan sinabon at sinibak niya sa puwesto si Ciscar.
Nabatid pa na wala rin umanong permiso niya ang pag-iimbita kay Roldan na nabatid na kasamahan sa Bible study ni Ciscar.
Si Roldan, Mitchell Gumabao sa tunay na buhay, ay inakusahang “utak” sa pagkidnap sa noo’y 3 anyos pa lamang na biktimang si Kenshi Yu na dinukot sa Ortigas Center, Pasig City noong Pebrero 19, 2005. Ang dating solon ay nasakote sa operasyon sa
Gayunman nitong Nobyembre 2006 bagaman non-bailable ang kasong kidnapping ay pinayagan ng
- Latest
- Trending