^

Bansa

Illegal miners gigiyerahin!

-

Nakahanda ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na kastiguhin ang lahat ng mining firms na patuloy na hindi kumukuha ng sapat na dokumento para legal na makapag-operate sa bansa.

Kasabay nito, bina­laan ng DENR ang isang mining firm na kumuha na ng sapat na doku­mento para malaya nang makapag-operate sa minahan lalot’ marami nang personalidad ang sumisilip sa kanilang mga papeles.

Ayon kay DENR Un­dersecretary Ramon Paje, nabatid na ang Oriental Peninsula mining firm ay wala pa ring sapat na dokumento kaya kaagad niya itong pinayuhan na asika­suhin na ang kanilang aplikasyon sa permit para makapag-operate.

Tugon kasi ito ni Paje hinggil sa ‘inquiry’ para sa Oriental Peninsula na balitang may planong mag-invest ng multi-million piso sa IPO o Initial Public Offering para makapangalap ng pa­nibagong pondo sa kanilang operasyon.

“After verification with our records, said Oriental Peninsula has not filed any mining application to operate and neither has it applied for an environmental compliance certificate,” sabi pa sa memorandum na ipinalabas ni Paje.

Dahil dito, inatasan ni Paje ang nasabing kom­panya na tiyakin ang pagkuha ng sapat na dokumento para hindi na magkaproblema sa mga darating na panahon.

Oriental Peninsula must comply with our requirements. Failure to do so would mean it cannot operate,” sabi pa niya.

Kaugnay nito, nais na rin malaman ng DENR kung may kun­tsa­bahan bang nang­yayari ngayon sa pagi­tan ng ilang tiwaling opisyal ng kanilang departamento, Securities and Exchange Commission at ilan pang mga mining firms na nakakuha ng Environmental Compliance Certificate (ECC) kahit na kulang ang dokumento.

“We cannot allow mining companies to operate without ECC. What is at stake here is our environment. The DENR is liable to the Filipino people,” dagdag pa niya.

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE

INITIAL PUBLIC OFFERING

ORIENTAL PENINSULA

PAJE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with