Budget ng OMB hindi na haharangin ni Sen. Villar

Tuluyan nang binawi kahapon ni Senate President Manuel Villar ang kanyang rekomendasyon na tanggalan ng budget ang Optical Media Board sa gagawing deliberasyon ng bicameral conference committee kaugnay sa 2008 national  budget.

Ikinonsidera ni Villar ang naging pahayag ni Sen. Ramon ”Bong” Revilla Jr. na tututulan ng huli ang pag­tanggal sa budget ng OMB kahit nagkaroon sila ng “word war” ni OMB chair Edu Manzano.

Matatandaan na pinuna ni Villar ang pagiging inutil ng OMB sa pagsugpo ng software at movie piracy sa bansa na nagpapabagsak sa movie industry.

Hindi aniya nagtagum­pay ang ahensiyang pina­mumunuan ni Manzano na mapigil ang mga nami­mirata.

Sinabi naman ni Villar na mukhang nagkaayos na sina Revilla at Manzano.

“Mukhang nagkaayu­san na sila (Manzano, Revilla),” sabi ni Villar.

Hindi rin naman pabor si Villar sa isinusulong ng ilan na pagbuwag sa OMB at sa halip at pinayuhan nito ang liderato ng ahen­siya na pagbutihin pa ang pagta­trabaho. (Malou Es­cu­dero)

Show comments