Nag-inhibit ang isang hukom ng Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) para hawakan ang multi-murder case ng tatlong suspek sa pagsabog sa Batasan complex noong Nobyembre 13 dahil sa matinding work load at problema sa kalusugan.
Ayon kay QCRTC Judge Charito Gonzales ng Branch 80, hindi na niya kayang hawakan pa ang kaso dahil sobrang dami pa ng kanyang minanang kaso sa branch 80 na dapat tuunan ng pansin at resolbahin. Si Gonzales ang dating Bangued, Abra, RTC Branch 1 judge.
Tinanggap naman ni QCRTC executive Judge Romeo Zamora ang motion for voluntary inhibition na naisumite sa kanya ni Judge Gonzales.
Ang multiple murder case ay naisampa ng DOJ laban kay Khaidar Awnal, Ikram Indama at Adham Kusain at ang kaso ay takdang i-raffle sa Lunes, December 17. (Angie dela Cruz)