^

Bansa

18 sibilyan lusot sa rebelyon

- Rose Tamayo-Tesoro -

Inabswelto kahapon ng Makati Regional Trial Court (MRTC) ang 18 sibilyan na unang kina­suhan ng rebelyon kaug­nay sa November 29 Manila Peninsula standoff.

Sa 18-pahinang de­sis­yon, inutos ni Judge Elmo Alameda ng MRTC Branch 150 ang agarang pagpapalaya sa 18 na kinabibilangan nina running priest Fr. Robert Reyes, dating vice president Teofisto Guingo, anak nitong si Marie, ex-UP Prof. Francisco Ne­menzo, Bishop Julio La­bayen, Bibeth Orteza, Antonio Trillanes III na kapatid ni Senator Antonio Trillanes IV, mga abogado ng Magdalo soldiers na sina JV Bautista at Argee Gue­ varra at iba pa mula sa pagkakapiit ng mga ito sa Camp Crame.  Iniutos din ng korte sa mga awtoridad ang agarang pagbura sa mga pangalan ng nasabing mga sibilyan na napabi­lang sa nasampahan ng rebellion case.

Nabatid na kinatigan ng korte ang apelang isinumite noong Lunes nina Fr. Reyes at ilang mga kasamahan nito na i-abswelto sila sa kaso na isinampa ng PNP-CIDG matapos na wal­ang makitang probable cause o legal na ba­sehan ang korte para usigin ang nasabing mga sibilyan sa nasabing kaso.

“The court found no probable cause for the indictment of the civilians for rebellion,” saad sa nasabing kautusan.

Nabigo rin umano ang kapulisan na tukuyin kung ano talaga ang naging partisipasyon ng mga ito sa Manila Pen siege na pinamunuan ni Sen. Antonio Trillanes 1V, kasa­ma­han nitong Magdalo soldiers at ni Brig. Gen. Danilo Lim.

Wala rin umanong pulidong ebidensiyang maipapakita sa korte ang PNP-CIDG na siyang nagsampa ng reklamo laban sa nasabing mga sibilyan na mag-uugnay sa mga ito sa kasong rebelyon.

Nakasaad pa sa ka­utusan na tanging sina Trillanes, Lim at ang mga sundalong Magdalo lamang ang nararapat na usigin sa nasabing kaso makaraang manawagan ang mga ito sa publiko na samahan sila sa kanilang ipinaglalaban para pa­babain sa pwesto si Pangulong Arroyo.

Hindi rin umano sapat na ebidensiya o hindi porke’t nasa Manila Pen ang nasabing mga sibil­yan nang mangyari ang standoff ay nanganga­hulugan na maaari na silang kasuhan ng rebel­yon dahil wala naman raw nakuhang “sound bytes” o mga katagang inanunsiyo sa publiko ang 18 sibilyan laban sa pamahalaan. 

vuukle comment

ANTONIO TRILLANES

ARGEE GUE

BIBETH ORTEZA

MAGDALO

MANILA PEN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with