IBC-13, LRT-2 isusubasta
Nakatakdang isubasta ng pamahalaang lungsod
Sinabi ni Quezon City Treasurer Victor Endriga na isinama sa mga ari-ariang isusubasta ang IBC -13 dahil sa hindi pagbabayad ng buwis na aabot na sa higit P5 milyon.
Kasama rin dito ang LRT Line 2 dahil sa pagkakautang naman sa higit P100 milyong halaga. Nabatid na tatlong terminal ang nais ipasubasta ng pamahalaang lokal at isang makinarya. Bumabagtas ang naturang linya ng tren sa
Bukod sa mga nabanggit, isusubasta rin ang 20 ektaryang lupain ng Capitol Golf Course dahil sa P50 milyong utang.
Muntik na rin makasama sa gagawing subasta ang gusali ng Bureau of Internal Revenue sa kanto ng Timog at Quezon Avenue dahil sa mahigit P1 milyong utang ngunit agad rin namang naayos ng ahensya ang usapin.
Inalis naman sa listahan ng isusubasta ang kontrobersyal na Boracay mansion matapos na magpalabas ng kautusan ang Sandiganbayan dahil sa isyu ng tunay na pagmamay-ari dito.
Matatandaan na naging pagmamay-ari ng
- Latest
- Trending