Magbababa ng P1 kada kilo sa presyo ng liquefied petroleum gas ang LPG Marketers Association (LPGMA) dahil sa pagbaba ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.
Ayon kay LPGMA President Arnel Ty, asahan ang gagawing P1 per kilo o P11 kada 11 kg. na tangke na rollback ng kanilang tinitindang LPG sa susunod na araw.
Sinabi pa ni Ty na kung magiging maganda ang trend at walang magiging problema sa pag-aangkat ng nasabing produkto, malaki umano ang posibilidad na hindi masundan pa ang rollback sa susunod na linggo.
Samantala, taliwas naman ang naging pahayag ng malalaking kompanya ng langis gayundin ang mga independent oil players na may produktong LPG dahil kinakaila ngan umanong taasan ng .50 sentimos ang presyo ng LPG dahil sa pagtaas umano ng presyo nito sa world market.
Matatandaang noong isang linggo ay nagtaas ng P0.50 sa singil ang malalaking kumpanya ng langis na kinabibilangan ng Petron, Shell, Chevron (dating Caltex), Unioil at Total.
Sa panayam naman sa ilang mga ginang ng tahanan, “pang-uuto” lamang umano at wala sa kalingkingan ang nasabing P1 rollback kumpara sa halos araw-araw na sabayang pagtaas ng presyo ng krudo at LPG noong mga nakaraang linggo.
Sa ngayon ay umaabot sa P600 kada 11kg tangke ang LPG sa mga lokal na pamilihan. (Rose Tamayo-Tesoro/Edwin Balasa)