^

Bansa

DAR chief  dismayado sa Sumilao farmers

-

Nagpahayag ng pagkadismaya kahapon si Agra­ rian Reform Secretary Nasser Pangandaman sa mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon dahil sa kanilang pa­giging mainipin at walang pang-unawa habang pinag-aaralan ng DAR ang isang desisyon sa pinag­tatalunang 144 na ektaryang lupain sa naturang bayan.

Sinagot ni Pangandaman ang nauna ng pahayag ng abogado ng mga nasabing magsasaka na si Atty. Marlon Manuel na inuupuan lamang ng kalihim ang naturang kaso simula pa noong 2004 at nagpasaring pa umano ito na maaaring paboran ng DAR ang may-ari ngayon ng nasabing lupain.

“Ang kaso ay ibinigay sa amin ng Pangulo nito lamang Nobyembre 22, 2007 at hindi noong 2004 tulad ng sinasabi ni Atty. Manuel. Nakapaglakad nga sila mula sa Sumilao hanggang sa Metro Manila, bakit hindi pa sila maghintay ng ilang araw sa paglabas ng aming magiging desisyon bago sila tuluyang mag-ingay?” sabi ni Sec. Pangandaman.

Noong Biyernes, naglakad din patungo ng Mala­kanyang ang mga magsasaka at nanawagan sa Pangulong Arroyo upang mamagitan at atasan ang DAR na mag-isyu ng ‘cease and desist order’ laban sa San Miguel Foods Inc. para patigilin ang pagtatayo ng isang hog farm sa lugar.

Kaagad namang nagsagawa ng ocular inspection si Pangandaman sa lugar at nakita nga nito ang limang nakatayong gusali at halos 1,000 mangga­gawa sa lugar na halos lahat ay mga residente rin ng Sumilao.

Nangako ang Kalihim na magiging patas  sila sa pag-aaral sa reklamo ng mga magsasaka laban sa SMFI at ang magiging desisyon ay batay na rin sa merito ng kaso. (Mer Layson)

vuukle comment

AGRA

MARLON MANUEL

MER LAYSON

NOONG BIYERNES

PANGANDAMAN

PANGULONG ARROYO

REFORM SECRETARY NASSER PANGANDAMAN

SAN MIGUEL FOODS INC

SUMILAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with