Oil hike ipoprotesta

Nagbantang muli ng kilos-protesta ang grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Transport Operators Nationwide kasunod ng panibagong pagtataas sa presyo ng langis sa kabila ng pagtatag ng halaga ng piso.

Sinabi ni Piston secretary-general George San Mateo na labis na ang pagtataas ng presyo ng langis na ika-15 na ang pinakahuli.

Matatandaan na nagtaas ng P.50 sentimos kada litro ang tatlong dambuhalang oil companies na Petron, Pilipinas Shell at Caltex Chevron kasama pa ang Total Philippines at Eastern Petroleum sa mga produkto nilang gasoline, diesel at kerosene.

Nagbanta ang grupo na dadalhin sa kalsada ang kanilang mga hinaing at inaasahang sasama ang iba pang grupo ng transportasyon. (Danilo Garcia)

Show comments