‘Santa Claus’ namudmod ng P1 thou sa NAIA employees

Maagang namigay ng pamasko sa mga emple­yado sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang nag-ala Santa Claus ng pagkaguluhan ito sa departure area matapos abutan nito ng tig-P1,000 ang mga taong kinatuwaan niya.

Tuwang-tuwa ang mga empleado ng iba’t-ibang ahensiya ng pa­ mahalaan na nakabase sa NAIA ng maambunan sila ng ma­agang pamasko ni ARMM Governor Zandy Apatuan bago ito lumipad patu­ngong Jeddah kaha­pon ng hapon.

Ang mga hindi naman na­abu­tan o nabigyan ng pera ang nagalit kay Ampa­tuan.

Gayunman, inawat na ng mga awtoridad ang mag-amang Apa­tuan dahil dumarami na ang mga taong lumalapit sa kanila at baka mag­karoon ng aberya ang seguridad.

Samantala, sinabi ni MIAA General Manager Al Cusi, walang masama sa mga taong nakatanggap ng pera mula sa Gober­nador dahil hindi naman hiningan o pinilit silang magbigay ng pera.

May ipinapatupad na kautusan si Cusi sa mga empleado ng mga ahen­siya sa airport na bawal ang manghingi o mag­salita ng ‘MERRY CHRISTMAS’ sa mga pasaherong duma­rating at umaalis dito. (Butch Quejada)

Show comments