^

Bansa

Kasong rebelyon isinampa ng DOJ

- Gemma Amargo-Garcia -

Sinampahan na kaha­pon ng kasong rebelyon ng Department of Justice (DOJ) sina Senator Antonio Trillanes IV, Brig. Gen. Danilo Lim, dating Vice-President Teofisto Guin­gona at 15 pang persona­lidad ka­ugnay sa naga­nap na stand-off sa Ma­kati noong Huwebes.

Base sa 10 pahinang resolution na ipinalabas ng DOJ bukod kay Trilla­nes, Lim at Guingona kinasuhan din sa kasong paglabag sa Article 134  (Rebellion) ng Revised penal code sina Bishop Julio Labayen; Rev. Father Robert Reyes; Capt Gary Alejano; Capt. Se­gundino Orfiano Jr.; LTSG Manuel DG Cabo­chan; LTSG James La­yug; LTJG Arturo Pascua Jr.; LT. Eugene Peralta; LT Andy Torrato; 1LT Billy Pascua; 1LT Jonnel Sa­ngalang; ENS Armand Pontejos;  Atty. J.V Bau­tista;  Atty. Arjee Gue­varra; Francisco Nemen­zo; Julius Mesa; Cezari Yassir Gon­zales; CPL Clecarte Da­han; PFC Jua­nito Jil­bury; PFC Emmanuel Tira­dor; PFC German Linde; Antonio Trillanes III; Myrna Buen­dia;  Do­min­ador Rull Jr.; Romeo Solis;  Roel Gadon, Rom­mel Lo­reto; Ju­lian Ad­vincula;  Francisco Bosi; Leodor Dela Cruz; Sonny Mada­rang, Elizabeth  Si­guion-Reyna at Francisco Penaflor.

Saman­ta­lang release for further preliminary investigation dahil sa ka­song inciting for rebellion sina Atty. El Cid Fa­jardo;  Herman Laurel; Leonido Toledo Jr.;  Evangeline Mendoza;  Jose A Al­bert; Eduardo Castro;  Ferdi­nand San­doval;  Julio Ancheta; Stella Guin­gona; Ma­amor Lento; Romeo Dacles;  Ryan Custo­dio;  Ed­gardo Via­na;  Tulalay at Ray Li­naac.

Hindi naman kasama sa nakasuhan si Capt. Nicanor Faeldon na ka­salukuyang nagtatago at release for further preliminary investigation.

Ayon kay DOJ Secretary Raul Gonzalez, pa­sok sa kasong rebellion ang grupo ni Trillanes da­hilan sa mga ginawang pag-aaklas ng mga ito mata­pos na mag-walk-out sa isinasa­gawang hearing sa sala ni Makati Regional Trial Court Judge Oscar Pimentel noong umaga ng Huwe­bes habang dinidi­nig ang ka­nilang kaso ka­ ugnay pa rin sa Oak­wood mutiny.

Bukod dito, nanawa­gan din sila na bumaba sa puwesto si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at ang paghihikayat sa publiko na lumahok sa ka­nilang pag-aaklas upang magkaroon ng pagbabago ang gob­yerno na siyang binasa ni Gen. Lim sa ha­rapan ng mga mamama­hayag.

Matibay ding ebiden­sya ang nakuhang sulat kamay ng  “escape plan” ni Trilla­nes at mga ka­sama nito mula sa court room ng Makati City hall, listahan ng mga miyem­bro nito, distribution of fire­­arms, lugar ng dara­anan ng mga ito at ang rules of engagement sa­kaling magkaroon ng komprontasyon.

Samantala, nagpala­bas na rin ng Hold Departure Order (HDO) ang DOJ laban sa mga na­bang­git na pangalan upang hindi sila maka­labas ng bansa habang dinidinig ang ka­ nilang kaso.

Sinabi naman  ng abo­gado ni dating Vice-President Guingona na si Atty. Ernesto Francisco na  pinag-aaralan pa nilang mabuti kung ano ang ka­nilang dapat gawin subalit mahihirapan umano ang prosekusyon na patuna­yan na nagkaroon ng cons­piracy partikular na sa mga sibilyan

Iginiit pa ni Francisco na mahirap na patunayan na nagkaroon ng rebel­yon sa naturang insidente dahilan sa ang naganap dito ay isang peaceful assembly at ang mga awtoridad ang siyang nang assult at hindi ang grupo ni Guingona.

Ayon naman kay Gon­zalez, na mayroon pa silang inihahandang ebi­densiya laban sa mga akusado habang pinag-aaralan pa nila kung sino ang financier ng nasabing grupo. (Dagdag na ulat ni Ellen Fernando)

vuukle comment

ANDY TORRATO

ANTONIO TRILLANES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with