^

Bansa

Illegal arrest isasampa ngayon: Media vs PNP

- Danilo Garcia -

Nakatakdang sampa­han ng kaso ng National Press Club ang Philippine National Police (PNP) sa Commission on Human Rights (CHR) dahil sa uma­no’y iligal na pag-aresto sa mga miyembro ng media sa naganap na “standoff” sa Manila Peninsula, Ma­kati City nitong nakalipas na Huwebes.

Sinabi ni NPC President Roy Mabasa na mag­tutungo sila ngayong Lunes sa CHR sa Quezon City upang isampa ang kaso laban kina PNP Chief, Director General Avelino Razon at National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, Director Geary Barias.

Kukuwestiyunin din sa Korte Suprema ng NPC ang legalidad ng ginawang pag-aresto sa mga mama­mahayag, pagpapatupad ng curfew at pagkansela sa permit sa pagdadala ng baril matapos ang Peninsula standoff.

Iginiit ni Mabasa na hindi maaring idahilan ng mga pulis na may nag­pang­gap na media sa mga miyembro ng Magdalo group kaya ipinosas ang lahat ng mamamahayag na nagco-cover kina Trillanes.

Nangangamba ang NPC President na ang utos ng Malakanyang ang gawing “piecemeal” basis sa mga pangha-harass sa media.

Ayon kay Mabasa, nais nilang malaman kung sino sa PNP ang nag-utos na arestuhin ang mga miyem­bro ng media na nagko-cover sa loob ng naturang hotel at nagpaposas sa mga ito.

Iginiit nito na paglabag sa karapatang pantao at isinasaad ng “Miranda Doctrine” ang pagposas sa mga mamamahayag na ginagampanan lamang ang kanilang tungkulin.  Ito’y lalo na dahil sa wala namang “warrant of arrest” ang mga pulis na uma­resto sa mga mama­ hayag.

Matatandaan na ina­resto rin ang mga miyem­bro ng media na naabutan sa loob ng Manila Peninsula ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group at dinala sa Camp Ba­gong Diwa sa Bicutan, Taguig. Pinalaya rin na­man ang mga ito matapos na suma­ilalim sa beri­pikasyon.

Tinanggihan naman ni Luis Teodoro ng Center for Media Freedom ang pag­hingi ng paumanhin ni Ra­zon at iginiit na si Pa­ngu­long Arroyo ang dapat hu­mingi ng tawad dahil sa pagkakamali.

Katwiran ni Razon, gi­nawa lamang ang pag­dam­pot sa mga miyembro ng media para isailalim sa beripikasyon dahil sa pa­ngamba na humalo at nag­panggap na mama­ hayag ang ibang mga rebelde. Ipinosas naman umano ang mga media dahil sa kasama ito sa ”standard operating procedure”.

Una na ring kinastigo ng NPC, Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pili­pinas (KBP) at National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) ang naturang insidente.

CAMP BA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DIRECTOR GEARY BARIAS

MANILA PENINSULA

MEDIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with