Guingona, 3 pa pinalaya muna

Dahil naman sa mga tinataglay na sakit, pina­laya muna para ma­ka­pagpagamot sina ex-VP Guingona, Bishop La­bayen, Nemenzo at Or­teza.

Nabatid na si Guin­gona ay dinala sa St. Lukes Medical Center upang mapatingnan sa  hindi pa mabatid na ka­ramdaman habang si Orteza ay may kanser.

Pansamantala na­mang ibinigay sa kostu­diya ni Infanta Bishop Rolando Tirona si Bishop Labayen habang si Ne­menzo ay ibinigay sa kostudiya ni Akbayan Rep. Risa Hontiveros-Baraquel.

Sa kasalukuyan ay 46 iba pa kasama sina Trilla­nes, Lim at Fr. Reyes ang nananatili sa PNP custodial center.

Show comments