^

Bansa

Police director ng ARMM, ipatatawag ng Comelec

-

Ipatatawag ng Commission on Elections (Comelec) si Philippine National Police-Autonomous Region for Muslim Mindanao Provincial Director, Chief Supt. Joel Goltiao upang magpali­ wanag sa patuloy na pag­kabigo nito na madakip si dating Maguindanao provincial election supervisor (PES) Atty. Lintang Bedol.

Batay sa dalawang pa­hinang resolusyon na ipi­na­labas ng Comelec en banc, inaatasan nito si Gol­tiao na humarap sa tangga­pan ng Comelec en banc at mag­pa­liwanag hinggil sa isyu.

Alinsunod sa Comelec Resolution No. 8376 na inaprubahan ng Comelec en  banc noong Nobyembre 29, 2007, pinagsusumite rin nito ng ulat si Goltiao upang mabatid kung anu-anong hakbang ang isinagawa nito hinggil sa Minute Resolution No. 07-1752 na kani­lang ipinalabas noong Ok­tubre 30, 2007 na may ka­ugnayan sa pagsisilbi ng Warrant of Arrest na kani­lang inisyu laban kay Bedol.

Nais ding malaman ng Comelec kung kaagad bang naisilbi ng mga awto­ridad ang warrant of arrest sa loob ng 24 oras matapos na matanggap nila ito.

Itinakda ng Comelec ang pagtungo ni Goltiao sa kanilang punong tangga­pan sa Intramuros, Maynila sa Disyembre 11, 2007, dakong alas-10 ng umaga.

Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Comelec para sa agarang pagkakadakip ni Bedol dahil sa kasong indirect contempt ngunit bigo naman ang PNP na madakip ito. (Doris Franche)

BEDOL

CHIEF SUPT

COMELEC

COMELEC RESOLUTION NO

DORIS FRANCHE

GOLTIAO

JOEL GOLTIAO

LINTANG BEDOL

MINUTE RESOLUTION NO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with