Trillanes pinasisibak sa Senado
Maaari umanong mapatalsik bilang senador si Antonio Trillanes IV matapos ang marahas nitong aksiyon nang kubkubin ang Manila Peninsula Hotel sa
Ayon kay PNP Chief Director Gen. Avelino Razon Jr., bilang isang opisyal na inihalal ng taumbayan ay nakagawa ng seryosong kasalanan si Trillanes dahilan sa pagtatangkang ibagsak ang gobyerno ni Pangulong Arroyo.
Ipinahiwatig ni Razon na hindi gawain ng isang matinong opisyal na sirain ang tiwala ng taumbayan na nagluklok rito sa puwesto.
Naniniwala ang PNP Chief na maaaring maging basehan sa pagpapatalsik kay Trillanes mula sa Senado ang naging hakbangin nito na maituturing na isang gawaing kriminal.
Bunsod nito, isang resolusyon ang nakatakdang ihain sa Lunes ni Sen. Miriam Defensor-Santiago upang mapapanagot si Trillanes sa ginawa nitong “pagwawala” sa Manila Pen.
Ayon kay
Aatasan ng senadora sa pamamagitan ng kanyang ilalabas na resolusyon si Ethics chairman Sen. Pia Cayetano na agad magpulong.
Sinabi naman ni Gen. Razon na kasalukuyan na nilang pinag-aaralan kung pasok sa anti-terror law ang ginawang panggugulo ng grupo nina Trillanes at dating First Scout Ranger Regiment Chief Brig. Gen. Danilo Lim na labis na nakaapekto sa ekonomiya ng bansa.
Sa kasalukuyan ay tinatapos pa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang pagproproseso ng mga dokumento kaugnay ng imbestigasyon sa kaso upang masampahan ng karagdagang asunto sina Trillanes.
Hinggil naman sa pagpapatalsik kay Trillanes sa Senado, sinabi naman ng mga legal expert sa Department of National Defense (DND) na dapat ay may isa ring mambabatas na magsimula o mag-file o kaya naman ay mag-indorso ng reklamo sa Senate Ethics Committee para patalsikin ang dating Navy officer.
Sa pagkakaalam ng mga opisyal, expulsion ang pinakamabigat na parusa para sa sinumang mambabatas na gumagawa ng marahas na aktibidad na maaring maikategorya bilang capital offense.
Magugunita na sa kabila na nakakulong si Trillanes ay umaabot sa mahigit 11 milyon ang boto nito nang kumandidatong senador noong Mayo 14, 2007.
- Latest
- Trending