^

Bansa

GMA abswelto sa writ of amparo

-

Inabswelto ng Court of Appeals si Pangulong Arroyo sa nakabinbing kaso ng writ of amparo.

Iginiit kahapon ng Appellate Court na hindi ma­aring idawit ang Pangulo sa nabanggit na petition for writ of amparo dahil maka­kaabala lamang ito kay Arroyo, bilang Punong Ehe­kutibo na pinakamabigat na tungkulin at gawain.

Kabilang sa respondents si Pang. Arroyo nang maghain ng petisyon ang urban leader na si Lourdes Rubrico chairperson ng Ugnayan ng Maralita (UMAGA), at mga anak na sina Jean Aprouebo at Mary Joy Carbone kung saan hiniling ng mga ito na atasan ng korte ang mga mataaas na pinuno ng military at kapulisan na itigil ang mga pagbabanta sa kanilang buhay.

Sa inilabas na reso­lusyon na ipinonente ni CA Associate Justice Edgardo Cruz, kinatigan nito ang mosyon ng Office of the Solicitor General (OSG) na humihiling na alisin si Pangulong Arroyo sa respondents.

Anang SC, hindi na­man umano napatunayan na may kinalaman si PGMA sa mga akusasyon ng pamilya Rubrico. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

APPELLATE COURT

ASSOCIATE JUSTICE EDGARDO CRUZ

COURT OF APPEALS

JEAN APROUEBO

LOURDES RUBRICO

LUDY BERMUDO

MARY JOY CARBONE

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

PANGULONG ARROYO

PUNONG EHE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with