^

Bansa

US spy plane tumulong na sa paghahanap sa 2 piloto

-

Nagpadala na ang Estados Unidos ng spy plane upang tulungan ang Philippine Navy sa paghahanap sa isang combat jet ng Philippine Air Force (PAF) na pinalilipad ng dalawang piloto ng mawala habang nagsasagawa ng security patrol operations kamakalawa sa Kalayaan Islands sa pinag-aagawang Spratly Islands.

Sinabi ni  Phil. Air Force (PAF) spokesman Lt. Col. Epifanio Panzo, kasalukuyang sinusuyod ng US spy plane P3 Orion ang karagatan ng Kalayaan sa pagbaba­ kasakaling mahanap ang nawawalang S2 -11 jet na lulan sina Capt. Bonifacio Soriano at Capt. Gavino Mercado na hindi man lamang nagawang makaradyo sa kanilang himpilan sa Antonio Bautista Airbase sa Puerto Princesa City.Ang nasabing S2-11 ay nawala matapos na salubungin ng malakas na hangin sa himpapawid sanhi ng masamang lagay ng panahon.

Kaugnay nito, grounded na ang lahat na nalalabi pang S211 jets bilang bahagi ng Standard Operating Procedure (SOP) ayon sa kautusang ipinalabas ni PAF Chief Lt. Gen. Horacio Tolentino. (Joy Cantos)

AIR FORCE

ANTONIO BAUTISTA AIRBASE

BONIFACIO SORIANO

CAPT

CHIEF LT

EPIFANIO PANZO

ESTADOS UNIDOS

GAVINO MERCADO

HORACIO TOLENTINO

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with