Walong sanggol ang halos sabay-sabay na isinilang sa ilang evacuation center sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Mina sa lalawigan ng Albay.
Nabatid kay Dr. Luis Mendoza ng Albay Provincial Health Office, sa kasagsagan ng paghagupit ni Mina ay halos sabay-sabay na nag-labor ang buntis na mga ina ng naturang mga sanggol.
Sa walong mga sanggol na isinilang, apat dito ay mula sa bayan ng Polangui, tatlo mula sa Legazpi City at isa na man sa bayan ng Daraga; pawang sa lalawigan ng Albay.
Iminungkahi naman ni Legazpi City Mayor Noel Rosal na pangalanan ang mga sanggol kasunod ng pangalan ng bagyo, Mina kung babae at Mino naman kung lalaki.
Isa sa mga sanggol na lalaki ay ipinanganak sa Mariners Polytechnic Colleges sa Rawis na pinangalanang Mino na anak nina Delton at Rose Astor.
Samantala, sa binyag ng sanggol ay ninong si Mayor Rosal at imbitado rin sa okasyon si Albay Gov.Joey Salceda. (Joy Cantos)