Senado inisnab dahil sa bagyo
Ginamit na dahilan kahapon ng ilang mga miyembro ng Gabinete na hindi nakarating sa pag dinig kahapon ng Senado ang mga bagyong nasa loob ng bansa.
Kabilang sa mga inanyayahan pero hindi dumalo sina Public Works Secretary Hermogenes Ebdane Jr., Finance Secretary Margarito Teves, Presidential Management Staff Serge Remonde, Foreign Affairs Secretary Alberto Romulo, Commission on Audit Chairman Guillermo Carague at Budget Secretary Rolando Andaya.
Ayon sa mga cabinet officials, abala sila sa pag-asikaso ng kanilang mga departamento dahil na rin sa bagyo at hindi pa han da ang mga dokumentong kanilang isusumite sa komite.
Tanging tatlong auditor lang ng COA ang dumating sa pagdining ng Senate committee on economic affairs hinggil sa pagpaliban ng World Bank sa pagkakaloob ng pautang sa bansa dahil sa umano’y mga katiwalian.
Iniimbestigahan ng mataas na kapulungan ang ilang anomalya na nasilip ng WB sa dalawang road projects sa Negros Oriental at Surigao del Sur.
Kaugnay nito, inutos kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Pro-Performance System at Procurement Transparency Group na magsa gawa ng review sa mga road projects na sinuspinde ng World Bank ang nakalaang loan nito.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Er mita, nilagdaan ni Pangulong Arroyo ang administrative order 210 nitong November 22 kung saan ay inatasan din niya ang PPS at National Economic Development Authority na magsagawa ng regular na konsultasyon sa mga foreign funding agencies upang maiwasan at mahaluan ng sinasabing mga anomalya sa mga foreign-funded projects. (Malou Escudero at Rudy Andal)
- Latest
- Trending