Abogado ng ‘Ninoy 13’ may death threat
Ibinunyag kahapon ni Public Attorney’s Office (PAO) chief, Atty. Persida Rueda-Acosta na nakatatanggap siya ng mga death threat na pinaniniwalaang kaugnay sa pagtulong nitong makalaya ang isa sa convicted sa Aquino-Galman double murder case na si dating Air Force Master Sgt. Pablo Martinez.
Hindi na nasorpresa si Acosta sa mga pagbabanta dahil parte na umano ng kaniyang trabaho ang makatanggap ng mga pagbabanta sa buhay.
Sa kabila nito, desidido pa rin si Acosta na lakarin ang pagpapalaya sa natitirang 13 akusado.
Magugunitang si Martinez na isa sa mga nasintensyahan sa Aquino-Galman double murder case ay napagkalooban ng conditional pardon ni Pangulong
Arroyo dahil sa edad nitong 70 at sa hindi magandang kalusugan nito.
Tutol ang pamilya Aquino sa ibinigay na executive clemency kay Martinez.
Sinabi ni Sen. Noynoy Aquino, wrong timing ang pagpapalaya kay Martinez dahil nalalapit na ang kaarawan ng kaniyang yumaong ama. (Ludy Bermudo)
- Latest
- Trending