‘Mina’ lumihis ng direksiyon
Lumihis ng direksiyon ang bagyong Mina at sa halip na Bicol Region ay tinutumbok na nito nga yon ang area ng Aurora at Isabela habang patuloy ang pagpasok nito sa bansa.
Ayon kay Nathaniel Cruz, hepe ng PAGASA Weather branch, lumihis ang bagyo dahil sa isang high pressure winds mula sa Hongkong sa silangang bahagi ng bansa at itinulak ang bagyong Mina kung kaya nagbago ang galaw ng naturang bagyo kung saan nagbabadya ang malakas nitong landfall sa Aurora at Isa bela.
Ngunit nagbabala si Cruz na maging alerto ang mamamayan dahil hindi ibig sabihin ay lumayo na ng tuluyan ang bagyo dahil may posibilidad aniya na magbago ang galaw nito at bumalik sa Bicol Region.
Dahil dito manana tiling masungit ang panahon sa Bicol Region at mga probinsiya ng Quezon, Quirino, Aurora, Isabela sa Luzon at Hilagang Sa mar sa Visayas region.
Sa kabila na hindi na sa Bicol Region direktang tatama si Mina, pinagbawalan munang lumisan sa mga evacuation centers ang may 53,000 pamilya partikular na sa lalawigan ng Albay.
Ayon kay National Disaster Coordinating Council (NDCC) spokesman Dr. Anthony Golez Jr., nagbabanta pa rin ang mudflow, flashflood at land-slide sa Bicol Region dulot ng patuloy na malalakas na pag-ulan sa lugar.
Inihayag ni Golez na dahilan sa lahar prone areas ang Albay at ang Camarines Sur naman ay landslide prone areas ay pinaiiral pa rin ang state of calamity sa naturang mga lalawigan.
Sinabi ng opisyal na magiging mapanganib kung pauuwiin na sa kanilang mga tahanan ang may 53,000 evacuees o kabuuang mahigit sa 200,000 katao hangga’t hindi pa tuluyang lumilisan sa bansa ang bagyong Mina. Nabatid na aabot sa 236,000 ang kabuuang evacuees sa buong Bicol Region kung saan sa Albay pa lamang ay nasa 53,000 pamilya na ang apektado ng kalamidad na nagsimulang bumayo sa lugar noong Huwebes ng gabi.
Pinayuhan naman ng opisyal ang mga residente sa Bicol Region na hintayin ang pormal na abiso ng NDCC at PAGASA ba-go magsibalik sa kanilang mga tahanan dahilan sa kasalukuyan ay delikado pa.
Sa huling ulat ng PAG ASA, namataan ang mata ng bagyo sa layong 220 kilometro silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes ngunit taglay pa rin nito ang lakas ng hangin sa bilis na 175 kilometro kada oras at pagbugso hanggang 210 km bawat oras at kumikilos pa hilagang kanluran sa bilis na 11 km kada oras.
Ang bagyo ay inaasa hang tatama sa Aurora at Isabela ngayong Linggo ng gabi at inaasahan namang lalabas ito sa baybayin ng Ilocos Sur sa Lunes ng tanghali kung saan ay inaasahang tuluyan na itong lalabas sa ‘area of responsibility’ ng bansa.
Kahapon ay sinimulan na ang mass evacuation ng daang libong residente sa mga lalawigan ng Aurora, Isabela, Quirino at Quezon.
Sa ginanap na press briefing kahapon, sinabi ni Golez na ang hakbang ay bilang ‘preemptive measure ‘ng pamahalaan matapos na magbago ng direksyon ang bagyo.
Ayon kay Golez ang panibagong bugso ng mass evacuation ay sa mga baybaying lugar o mga tabing dagat dulot ng banta ng ‘storm surge’ o pagtaas ng tubig; pa anan ng bundok bunga naman ng lanslide, pampang ng ilog sanhi ng mga pagbaha at mababang lugar na karaniwan ng nanganganib tuwing may kalamidad.
Nabatid na sa lalawigan ng Aurora prayori-dad ilikas ang mga residente sa hangganan ng lalawigan na kinabibilangan ng Dinalungan, Casiguran, Dilasag, San Luis at Dipaculao.
Ang Public Storm Signal No. 3 ay nakataas pa rin sa Catanduanes, Ca marines Norte, at Polillo Island habang signal No. 2 naman sa Camarines Sur, Sorsogon, Albay, Burias Island, Quezon, Quirino, Aurora, Isabela, at Northern Samar.
Signal No.1 sa Masbate,Romblon, Marin-duque, Oriental Mindoro, Batangas, Laguna, Rizal, Bulacan, Nueva Viscaya, Ifugao, Kalinga, Mountain Province, Ca gayan, Western Samar, Eastern Samar, Biliran Island at hilagang bahagi ng Leyte.
- Latest
- Trending