Iniutos kahapon ni Pangulong Arroyo ang pagbili ng modernong radar na dapat ilagay sa mga lalawigang palaging dinadaanan ng bagyo.
Sa ginanap na Regional Disaster Coordinating Council meeting sa Iligan City, inatasan ng Pangulo ang Department of Science and Technology (DOST) na bumili ng 2 Doppler radars.
“Being a climate taker, we cannot prevent disaster but certainly we can undertake adaption measures to prevent loss of lives and reduce damage to property,” wika pa ni Mrs. Arroyo.
Aniya, ang bibilhing 2 Doppler radar ay puwedeng ilagay sa South Cotabato at Cebu upang magamit sa forecasting ng paparating na bagyo. (Rudy Andal)