ADD umaming lumabag sa batas

Inamin ng grupong Ang Dating Daan ang mga nagaganap na paglabag sa batas sa loob ng ADD Convention Center sa Apalit, Pampanga.

Sa isinagawang pag­dinig ng Sangguniang Pam­bayan ng apalit, sinabi ni Apalit Vice Mayor Peter Nocum na inamin ng ADD, sa pamamagitan ng abo­gado nitong si Atty. Fer­dinand Gallardo kasama ang isang pastor ng na­sabing relihiyon na si Rico Fernandez, ang mga na­unang alegasyon ng pag­labag sa batas ng ADD kung saan nangako naman si ADD leader Bro. Eliseo

Soriano na isasauli ang lahat ng lupang hinahabol ng kanyang mga miyembro matapos na patituluhan ito sa kanyang pangalan.

Nilabag umano ng ADD ang land conversion law dahil ang lupang kinatiti­rikan ng ADD convention center ay isang agricultural land subalit pinagta­yuan ng tiangge, sementeryo at dumpsite nang walang kaukulang permiso. (DF)

Show comments