Salapuddin, Hataman brothers itinurong utak sa Batasan blast
Tinukoy kahapon ng isang alkalde na sina dating Mindanao Deputy Speaker Gerry Salapuddin, Anak Mindanao partylist Rep. Mujiv Hataman at kapatid nitong si Jim ang utak ng pagsabog sa Batasan complex noong Nobyembre 13 na ikinasawi ni Basilan Rep Wahab Akbar at 3 iba pa. Ito ang ibinulgar kahapon ni Ungkaya Pukan, Basilan Mayor Joel Maturan nang magtungo ito kahapon sa tanggapan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- National Capital Region sa Camp Crame.
Ayon kay Maturan, nagtungo ito sa CIDG upang bisitahin si Ikram Indama, ang isa sa mga naarestong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sinasabing nasa likod ng pagpapasabog sa Batasan complex at dating driver ni Salapuddin sa loob ng tatlong taon.
Sinabi ni Maturan na si Ikram umano ay pinsan ng kaniyang Misis.
Sa kanyang pagbisita, inamin umano ni Ikram sa kanya na sina Salapuddin at magkapatid na Hataman ang utak ng pambobomba sa Batasan upang patayin si Akbar.
Aniya, sinabi ni Ikram na napagkasunduan nina Salapuddin at magkapatid na Hataman na paslangin si Akbar dahil na rin sa wala umano silang magagawa sa pulitika kung buhay ito na kilalang political warlord sa lalawigan ng Basilan.
Nagpulong umano ang tatlo
Sinabi pa ni Maturan na maiyak-iyak umano si Ikram ng aminin nito ang kanilang
Samantala, sinabi naman ni CIDG-NCR Chief Sr. Supt. Asher Dolina na hindi naman nagbigay ng affidavit sa CIDG si Maturan hinggil sa isiniwalat nito sa mga mamamahayag.
“Yun ay allegations pa lang naman niya. Private talk niya (Maturan) yun kay Ikram Indama nung visit niya,” ani Dolina.
Gayunman, pag-aaralan umano ng legal team ng CIDG ang ginawang pagbubulgar ni Maturan. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending