Health mission sa Caloocan
Ikinatuwa ng mga residente ng lungsod ang malaking inunlad ng mga serbisyong pangkalusugan na hatid ni City Mayor Enrico “Recom” Echiverri.
Ito’y matapos atasan ni Echiverri si Dr. Raquel So-Sayo ng Caloocan Health Department na magsagawa ng hindi bababa sa 10 sabay-sabay na mga medical at dental missions sa mga piling lugar sa lungsod.
Kabilang sa mga lugar na nabiyayaan ng mga libreng serbisyong pang-medikal ay ang barangay 8, 14, 28, 35, 150, 176, 186, 187 at 188.
Sinabi ni Echiverri na mahalaga na pangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan dahil ito ang susi sa pagiging maunlad ng isang lungsod.
Sa report na isinumite ni Dr. Sayo, sa loob lamang ng unang dalawang taong panunungkulan ni Echiverri ay nakapagpatayo ito ng 43 health centers, kumpara sa 39 health centers na naipagawa nang nakalipas na 20 taon.
Sa panahon din ni Echiverri idineklara na “malaria-free” ang lungsod dahil na rin sa mahigpit na pagbabantay ng mga lokal na health officer.
- Latest
- Trending