^

Bansa

Bitay sa Pinay na pumatay sa Taiwanese

-

Isang Pinay ang naha­tulanng mabitay matapos mapatuna­yang guilty sa pag­patay noong Setyem­bre 2007 sa isang Taiwanese dahil sa pera sa Kaoshiung, Taiwan.

Sa report na tinang­gap kahapon ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alberto Romulo, kini­lala ang Pinay na si Armia Menecia Panag­lima, 38.

Sa ibinabang desis­yon ng Taiwan court noong Lunes, si Pa­naglima ay napatuna­yang guilty sa pagpas­lang kay Chiu Mei-yun sa Kaoshiung habang inab­ suwelto naman ang Amerikanong boyfriend nito na di David Filion kaugnay ng ka­walan ng matibay na ebidensya sa pagka­kasangkot sa kri­men.

Nabatid na si Pa­nag­lima ay empleyado sa Kaoshing bar at nanga­ilangan ng pera matapos na masibak sa kaniyang trabaho doon.

Inimbitahan umano nito si Chiu, isang broker sa mga dayuhang guro na kakilala ni Fi­lion, sa kani­yang apartment doon at hinihiraman ng pera ang nasabing Taiwanese.  Nang tumanggi naman si Chiu na pahiramin ng pera ang nasabing Pinay na nauwi sa mainitang pag­tatalo ay naging marahas ang akusado at tinalian ng lubid sa leeg ang biktima.

Hindi pa umano nakun­tento ay pinagsasaksak pa ng kutsilyo ni Panaglima si Chiu at itinapon ang bang­kay nito sa madilim na bahagi  ng  Kaoshiung kung saan ay nagawa nitong mag-withdraw ng NT$130,000  o  $4,000 mula sa ATM card ng biktima.

Sina Panaglima at Filion ay kapwa inaresto ng pulisya pero pinawalang sala ang lalaki matapos aminin ng una na siya ang may kagagawan sa krimen habang wala ring naku­hang ebidensya sa kani­yang boyfriend.

Kasalukuyan namang nakikipag-ugnayan ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa mga kina­tawan ng pamahalaan ng nasabing bansa sa kaso ng bibitaying Pinay. (Joy Cantos)

ARMIA MENECIA PANAG

CHIU

CHIU MEI

KAOSHIUNG

PINAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with