3 suspect sa Batasan kinasuhan
Pormal ng sinampahan kahapon ng kaso ng Philippine National Police (PNP) sa Department of Justice (DOJ) ang tatlong nasako teng miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na sangkot sa pambobomba sa Batasan Pambansa noong Nobyembre 13 na kumitil ng buhay ni Basilan Rep. Wahab Akbar at 3 iba.
Sa ilalim ng mahigpit na seguridad, iprinisinta ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (PNP-CIDG-NCR) Chief, Sr. Supt. Asher Dolina sina Khaidar Awnal, Ikram Indama at Adham Kusain sa tanggapan ni DOJ Secretary Raul Gonzalez.
Ayon kay Dolina, ang mga suspect ay sinampahan nila ng kasong 4 counts ng murder, 12 counts ng frustrated murder at obstruction of justice dahilan sa panlalaban sa arresting team.
Si Indama ay dating driver ni dating Mindanao Deputy Speaker Rep. Gerry Salapuddin, kaya nakalad kad rin ang pangalan sa pambobomba ng dating solon na karibal sa pulitika ni Akbar.
Ang mga suspect ay nasakote ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar sa isinagawang raid sa umano’y safehouse ng grupong ASG sa
Kasalukuyan namang ikinokonsidera ng PNP ang pagsasampa ng 2nd batch ng kaso laban sa tatlong suspect kabilang na ang assault on person in authority at destruction of government property.
Samantala, blangko ang PNP sa mastermind sa naganap na pagsabog sa Ba tasan Pambansa na kumitil ng buhay ni Basilan Rep. Wahab Akbar at tatlong iba pa noong Nobyembre 13.
Ayon kay PNP Chief Director General Avelino Razon Jr, na bagama’t may mga affidavit na ang tatlong nahuling suspect kung saan ibinunyag ng mga ito kung paano ginawa at binili ang mga pampasabog ay hindi pa ito sapat para matumbok ang mastermind sa krimen. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending