^

Bansa

Neri ipapaaresto ng Senado

-

Nagbanta na kaha­pon si Senator Alan Peter Caye­ tano, chairman ng Senate blue ribbon committee na ipa­pa­aresto na nila si da­ting National Economic Development Authority (NEDA) head at kasalu­kuyang chair­man ng Commission on Higher Education (CHED) Ro­mulo Neri kung iisnabin pa rin nito ang hearing ngayon ng Senado.

Sinabi ni Cayetano na  dapat nang dumalo si Neri sa pagpapatuloy ng  hearing ng Senado kaugnay sa kontrober­siyal na National Broadband Network (NBN) deal sa pagitan ng gob­yerno at ng ZTE Corp. ng China.

Kung hindi pa umano dadalo si Neri matapos padalhan ng subpoena ay ipapaaresto na nila ito.

Sinabi pa ni Caye­tano na dapat tuparin ni Neri ang kanyang pa­ngako na mu­ling babalik sa Senado sa pagpa­patuloy ng hearing ma­tapos niyang ibunyeg na inalok siya ni dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos ng P200 milyon para pabo­ran ang kon­trata ng ZTE.

Matapos dumalo ng isang beses sa hearing ng Senado si Neri, hindi na ito muling bumalik kahit pina­dalhan ng im­bitasyon. (Malou Escu­dero)

BENJAMIN ABALOS

HIGHER EDUCATION

MALOU ESCU

NATIONAL BROADBAND NETWORK

NATIONAL ECONOMIC DEVELOPMENT AUTHORITY

NERI

SENADO

SENATOR ALAN PETER CAYE

SHY

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with