Alam ba ninyo na hindi lamang mga misis ang dumaranas ng pangmamaltrato?
Sa datos ng Philippine National Police (PNP) Women’s and Children Protection, dumarami na ang bilang ng mga ‘battered husband ‘na dumudulog sa pulisya upang ireport ang pang-aapi sa kanila ng kanilang mga misis.
“Meron nga dyan tadtad ng pasa sa katawan ng magreport sa PNP, sinapak raw at pinaghahampas ng kahoy ng Misis, pero di gumanti dahil sa sobrang pagmamahal kaya nagtitiis,” pahayag ni Director Chief Supt. Yolanda Tanigue.
Gayunman, hindi ipinupursige ng nasabing mga minaltratong mister ang kaso laban sa nambubugbog nilang mga misis dahil sa sobrang kahihiyan na mapintasan ang kanilang pagkalalaki.
“Alam naman ninyo ang mga lalaki, gusto nila nandyan pa rin yung kanilang macho image,” ayon kay Tanigue, ang nag-iisang heneral na babae sa PNP.
Inamin din ni Tanigue na may mga miyembro ang kanilang organisasyon na tinagurian ring mga ‘battered husband’ pero masyado na umanong sensitibo ang isyu kung ang isang pulis ay mapabalitang ginugulpi ng kaniyang misis. (Joy Cantos)