FG lumabas na ng St. Luke’s

Lumabas na kahapon sa St. Luke’s Medical Center si First Gentleman Jose “Miguel” Arroyo matapos ang dalawang araw na medical routine check-up.

Ginamit ng Unang Gi­ noo ang backdoor ng os­pital upang makaiwas sa mga miyembro ng media na nag-aabang sa kanya.

Ipinasok sa St. Luke’s si FG noong Huwebes ng gabi upang sumailalim sa check-ups matapos ma­opera sa puso noong naka­raang Abril.

Noong Biyernes pa pinayagan ng mga doktor na makauwi ang Unang Gi­noo pero nadesisyon itong kahapon (Sabado) na la­mang lumabas ng ospital.

Nauna nang inihayag ni Dr. Rommel Cariño, isa sa mga doktor ni First Gentleman na maayos ang nakita nila sa CT scan ng thoracic aorta at abdominal aorta nito.

Kontrolado na rin aniya ang blood pressure nito at normal ang kanyang cholesterol level.

Pero kailangan uma­nong muling sumailalim ang Unang Ginoo sa paniba­ gong executive checkup matapos ang anim na buwan. (Malou Escudero/Angie dela Cruz)

Show comments