‘Oposisyon natutulog sa pansitan’
Oposisyon din ang literal na kumatay sa pinakahuling impeachment na iniharap laban kay Pangulong Arroyo.
Ayon kina House Majority Floor Leader, Rep. Prospero Nograles at Congressman Edcel Lagman, “natutulog sa pansitan” ang mga grupong nagnanais ng magpa-impeach sa Pangulo kaya nagkaroon ng pagkakataon si Atty. Ruel Pulido na maghain ng sarili niyang bersiyon.
Aminado rin si Justice Committee Chairman Rep. Mat Defensor na mas nagkaroon
“Ilang ulit nagpalabas ng statement ang oposisyon na hindi na sila maghaharap ng anumang impeachment case laban kay Mrs. Arroyo. At nang malamam nilang nag-file si Pulido, nagkukumahog sila na magbigay ng supplemental charges, hindi naman yata tama ‘yon,” sabi pa ni Defensor.
Kinuwestiyon din ng mga committee members ang pag-boykot ng minority congressmen na lalo umanong nagpakita ng totoong motibo na gusto lamang ng mga ito na lumakas ang kanilang propaganda at hindi ang kaso.
Gayunman, hinikayat din ni Nograles ang mga taga-oposisyon na tigilan na ang mga taktika laban sa administrasyon dahil hindi naman ito nakakakuha ng suporta mula sa mamamayan, lalo na mula mismo sa kanilang hanay. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending