^

Bansa

Salapuddin sabit

- Nina Joy Cantos at Angie Dela Cruz -

Isinasabit sa madu­gong pambobomba sa Batasan Pambansa si dating Basilan Rep. Gerry Salapuddin matapos ma­tukoy na dating driver nito si Ikram Indama, ang isa sa tatlong nasakoteng Abu Sayyaf sa isang raid sa Payatas, Quezon City kamakalawa.

Gayunman sa kabila ng pagkakaaresto sa kaniyang driver, nilinaw ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Director Geary Ba­rias na hindi pa nila iki­nokonsidera bilang sus­pek o mastermind sa pam­bobomba si Sala­puddin na kilalang karibal sa pulitika ng napatay na si Basilan Rep. Wahab Akbar. 

Ayon kay Barias, hindi pa tiyak ang mga awto­ridad kung pag-aari ni Salapuddin ang plate number “8” na para la­mang sa mga Kongresista na nasamsam ng mga awtoridad sa safehouse.

“What we only have is a driver who was his driver before,” ani Barias.

Ipauubaya na niya sa mga imbestigador ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang desisyon kung itu­turing na suspek si Sa­lapuddin.

Samantala, nanini­wala si Barias na maitu­turing na lutas na ang kaso sa Batasan blast sa pagkakadakip sa tatlong Abu Sayyaf, pero iginiit na mahalaga pa ring mala­man ang partisipasyon sa kaso ng tatlong naaresto at kung sino ang mastermind sa krimen.

Si Indama at ang da­lawa pa sa mga suspek na sina Khaidar Awnal at Adham Kusain ay suma­sailalim ngayon sa tactical interrogation.  

Napatay sa raid ang mga kasamahan nilang sina Parik Said alyas Abu Jandal,  Redwan Indama at asawa nitong si Saing.

Sinabi ni Barias, lumi­taw sa mga narekober na resibo, vehicle registration forms at deeds of sale na ang Abu Sayyaf ang nasa likod ng pambo­bomba.

“Yes, nalutas na. Ka­ilangan natin malaman ang participation ng anim, kung sino ang trigger­man,” pahayag ni Barias kaugnay ng tactical interrogation sa tatlo para mabatid kung mayroon pa ang mga itong kasabwat. 

“If the three give us information, we will launch follow-up operations,” dagdag ni Barias.

vuukle comment

ABU JANDAL

ABU SAYYAF

ADHAM KUSAIN

BASILAN REP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with