Libing ni Mrs. Saguisag inurong

Nagkasundo ang mga anak ni ex-senator at Atty. Rene Saguisag na ipagpa­ liban na muna ang nakatak­dang libing ngayong Biyer­nes, Nobyembre 16 ng kanilang ina na si Gng. Dulce Saguisag.

Sa panayam kay Atty. Rebo Saguisag, isa sa limang mga anak ng dating senador na nakiusap siya ng isang linggo pang palugit para mapalawig pa ang burol na kanilang ina nang sa ganun ay mabigyan umano ng pagkakataon na makita pa ito sa kahuli-hulihang pagkakataon ang kanilang ama.

Sinabi pa ni Atty. Rebo na kundi man umano maka­­yanan ng kanilang ama na makadalo sa libing ng ka­nilang ina dahil sa kasela­nan ng kundisyon nito ay kahit man lang ma­bigyan ito ng pagkakataon na mada­law ang burol ng ginang.  

Sa kasalukuyan ay nanatiling nakaburol si Gng. Saguisag sa St. Scholastica Chapel sa Malate, Manila kung saan ay patuloy pa rin itong dinadagsa ng mga kaibigan ng kanilang pa­milya at matataas na opis­yal  ng gobyerno.

Samantala nilagyan kahapon ng tubo ang kali­wang baga ni Atty. Sagui­sag matapos na mag-um­pisang pasukin ito ng tubig..

Bukod pa rito ay labis din umanong dumadaing si Atty. Saguisag ng pananakit ng kanyang dibdib bunga sa dinanas nitong “severe chest injuries” na ikinabali ng kanyang mga ribs o tadyang. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments