^

Bansa

Impeach vs GMA ibinasura

- Nina Butch Quejada At Rudy Andal -

Ibinasura ng House Committee on Justice ang inihaing impeachment complaint ni Atty. Ruel Pulido laban kay Pangu­long Gloria Maca­pagal Arroyo dahil sa kakulangan umano ng sustansiya.

Sa botong 43-1 ay nabasura ang Pulido complaint kung saan tanging si Laguna Rep. Edgar San Luis lamang ang pumabor sa ini­haing reklamo dahil siya rin ang nag-en­dorso nito sa Kon­greso.

Dahil dito, iginiit ka­hapon ng Malacañang na dapat ay ituon na nga­yon ng mga mamba­batas ang kanilang tra­baho sa pag­likha ng mga batas para sa ika­gagaling ng ekono­miya matapos tuluyang iba­sura ang impeachment complaint laban sa Pa­ngulo.

Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bun­ye, da­pat ay ituon na ngayon ng mga mamba­batas ang kanilang focus sa mga isyung ki­nakaharap ng bansa at bigyang prayo­ridad ang mga batas na para sa kagalingan ng ekono­miya at kabuhayan ng mahihirap.

“With this matter settled, we should move on and focus on issues that matter to our future. Too much preoccupation with politics does not promote stability, continuity, security and ordeer that we need to move Team Philippines forward,” wika pa ni Sec. Bunye.

BUNYE

EDGAR SAN LUIS

GLORIA MACA

HOUSE COMMITTEE

LAGUNA REP

PRESIDENTIAL SPOKESMAN

PRESS SECRETARY IGNACIO BUN

RUEL PULIDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with