Detalye ng sasakyan, LTO  lang ang nagbibigay

Walang sinuman ang pinapayagan ng Land Transportation Office (LTO) na magbigay ng anumang impormasyon tungkol sa anumang detalye ng mga sasakyan kung hindi ang LTO lamang o ang mis­mong may-ari ng sasakyan mula sa OR at CR na ibinigay ng LTO.

Ito ang reaksiyon ni LTO Chief Reynaldo Ber­roya kaugnay ng ginawang programa ng PETC IT Provider na RDMS na kapag dadaan sa emission test ang isang sasakyan para mairehistro ay detalyadong naibibigay nito sa sinuman ang impormasyon ng isang sasakyan.

Sinabi ni Berroya na tanging ang LTO lamang ang dapat na nagbibigay ng impormasyon sa bawat detalye ng isang sasakyan dahil sila ang may kapang­yarihan na magrehistro ng mga sasakyan sa bansa.

Anya, maging ang PETC ay hindi dapat maki­alam sa pagbibigay ng im­pormasyon ng bawat sa­sakyan na irerehistro sa LTO.

Niliwanag ni Berroya na ang sinumang PETC-IT providers na nais magbi­gay ng anumang impor­mas­yon sa publiko ng detalye ng isang sasakyan ay dapat munang makipag-ugnayan sa LTO bilang proteksiyon sa mga car owners.  (Angie dela Cruz)

Show comments