Respirator ni Saguisag ‘di muna tinanggal

Nabigo kahapon ang mga espesyalistang doktor na umaasikaso kay ex-senator at Atty. Rene Saguisag na tuluyang alisan ng tubo sa bibig o respirator ang dating senador matapos na dumaing ito ng matinding pananakit sa dibdib.

Nabatid kay Dr. Eric Nubla, spokesman ng MMC na hindi nila nagawang tanggalan ng respirator si Saguisag dahil sa pagdaing nito sanhi ng severe chest pain na dulot ng matinding pagkabali ng ribs o tadyang makaraang mabangga ang kanilang van ng ru­maragsang dump truck kamakailan na agad na ikinasawi ng kanyang misis na si Gng. Dulce  Sa­guisag.

Sa kasalukuyan ay mananatiling nakakabit ang respirator ni Saguisag hanggang tuluyan na itong nakakahinga ng maayos.     

Patuloy pa ring nakakapag-communicate si Saguisag sa pamamagitan ng pagsusulat. (Rose Tamayo -Tesoro)

Show comments