^

Bansa

Rep. Villarosa pinakakasuhan sa ‘cash gift’

-

Iginiit kahapon ng Ma­lacañang na dapat imbes­tigahan at kasuhan si Nueva Ecija Rep. Amelita Villarosa ng Kampi dahil sa pag-amin nitong siya ang nag-abot ng cash gift sa dalawang kongresista at mula daw ito sa pondo ng Kampi.

Sinabi ni Chief Presidential Legal Counsel Sergio Apostol, nahihiwa­gaan din siya kay Rep. Villarosa na kapartido pa naman ni Pangulong Arroyo sa Kabalikat ng Ma­layang Pilipino (Kampi) sa pananahimik nito ng ma­habang panahon kaugnay sa isyu at makalipas ang isang buwan ay saka ito nagsalita.

Wika pa ni Sec. Apos­tol, kung wala namang masasabing maganda at mayroong laman si Rep. Villarosa ay mas maka­kabuting manahimik na lamang siya.

Sa panig naman ni Villarosa, nakahanda raw siyang humarap sa anu­mang imbestigasyon upang malinawan lamang ang naturang isyu.

Sinabi ni Villarosa na siya ang nagbigay ng pondo bilang “assistance” kina La Union Rep. Ro­mas Dumpit Jr. at Manila Rep. Bienvenido Abante.

Winika ni Villarosa na alam daw nina Sec. Puno at Camarines Sur Rep. Luis Villafuerte, chairman ng Kampi, ang pamimi­ gay ng cash gift noong October 11 sa Mala­ca­ñang matapos ang breakfast meeting ng mga local officials at mamba­ba­tas kay Pangu­long Arroyo.

Ikinagulat naman ni DILG Secretary Ronaldo Puno, pangulo ng Kampi, ang ginawang pahayag ni Villarosa na kasama niya sa partido.

“Tinawagan ni Sec. Puno si Villarosa at tina­nong kung bakit nagsalita ito ng ganun. Sa aming pagkakaalam ay nangga­ling sa tanggapan ni Speaker de Venecia ang nasabing cash gift at hindi sa Kampi,” wika pa ni Asec. Brian Yamsuan. (Rudy Andal/Butch Que­­jada)

AMELITA VILLAROSA

BIENVENIDO ABANTE

BRIAN YAMSUAN

BUTCH QUE

KAMPI

SHY

VILLAROSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with