^

Bansa

Boracay mansion di puwedeng kumpiskahin ng Sandiganbayan

-

Hindi maaaring kum­piskahin ng Sandigan­bayan ang kontrobersyal na Boracay mansion na hinihinalang pag-aari ni dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa pag-aari na ito ng pamahalaang lungsod ng Quezon City .

Ayon sa tresurero ni Mayor Sonny Belmonte na si Dr. Victor Endriga, legal ang pagmamay-ari nila sa mansion dahil du­maan sa kumpleto at ta­mang proseso ang pag­kakalipat ng titulo nito sa lokal na pamahalaan.

Ito ay makaraang igiit ng Sandiganbayan na kumpiskahin ang nasa­bing ari-arian na matatag­puan sa No. 100 11th St., New Manila.

“Even if the former President won the case, Boracay Mansion is still and already a property of the Quezon City Government via auction process as per provisions of the Local Government Code of 1991”, paliwanag pa ni Endriga.

Base sa rekord, de­ling­kwente sa pagbaba­yad ng buwis ang St. Peter Holdings Corporation na siyang nakarehistrong may-ari ng mansyon mula pa noong 2001 kaya nakumpiska ito ng Que­zon City government. Napabilang naman ito sa listahan ng isinubasta noong Setyembre 15, 2005 ngunit walang bumili nito kaya nailipat sa pag-aari ng lokal na gobyerno.

Nagpahiwatig naman ang lokal na pamahalaan ng kanilang kahandaan na dalhin ang usapin sa Korte Suprema sakaling ipilit ng Sandiganbayan ang kanilang kautusan.

Magugunitang ka­sama ang Boracay mansion sa nais bawiin ng Sandiganbayan nang ibaba nila ang hatol laban kay Estrada pero lingid sa kanilang kaalaman ay nakumpiska na ito ng lokal na pamahalaan. (Danilo Garcia)

BORACAY

BORACAY MANSION

CITY

DANILO GARCIA

DR. VICTOR ENDRIGA

SANDIGANBAYAN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with