Nanawagan si Jesuit priest Fr. Romeo Intengan sa lahat ng mga makabayang opisyal at kawani ng gobyerno na magkaisa upang labanan ang corruption at maisulong ang repormang kailangan ng bansa.
Ayon kay Intengan, isa sa mga founders ng Par tido Demokratiko Sosyalista ng Pilipinas, ngayon mas higit na kailangan ang malawakang pagbabago dahil sa mga iskandalong yumanig sa pamahalaan. Maging makabuluhan lamang ang reporma kung ito ay pangungunahan ng mga opisyal at mga empleyado ng pamahalaan, ayon pa sa pari.
Aniya, kailangang magkaisa ang executive, legislative at judiciary sa pagsulong ng mga reporma upang mabago ang umiiral na sistema.
Ang mga repormang ito ay dapat pangunahan ng mga “democratic forces” at hindi dapat ito pasukan o manipulahin ng mga “extremist political forces.”
Ilan sa mga ahensyang lubhang nangangailangan ng mga reporma dahil sa matinding corruption sa mga ito ay ang Comelec, Customs, DPWH, DepEd, Justice, DILG, COA, PNP, Senate, House of Representatives, courts at ang Insurance Commission. (Butch Quejada)