^

Bansa

MILF tutulong sa pagtugis vs Bedol

-

Nakahanda ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na tumulong sa mga elemento ng pulisya sa pagtugis sa ngayo’y wanted na at nagtatago sa batas na si dating Maguin­danao Election supervisor Lintang Bedol.

Sinabi ni MILF spokes­man Eid Kabalu, anumang oras ay handa silang arestuhin si Bedol kung saan ay hinihintay na lamang nila ang go signal ng pamahalaan sa Coordinating Committee on Cessation of Hostilities.

Nilinaw naman ni Ka­ balu na magsisilbi la­mang silang suporta sa operas­yon ng pulisya at hindi sila ang mangu­nguna sa pag-aresto kay Bedol.

Ikinagalak naman ni ARMM Police Director Chief Supt. Joel Goltiao ang nasabing inisyatibo ng MILF dahilan mala­king tulong ito para sa agarang pag-aresto sa tinutugis na opisyal ng komisyon.

Gayunman, sinabi  ni Goltiao na Comelec pa rin ang magdedesisyon kung papayagan nito ang MILF rebels na tumulong sa kanilang isasagawang ope­rasyon. (Joy Cantos)

BEDOL

CESSATION OF HOSTILITIES

COORDINATING COMMITTEE

EID KABALU

JOEL GOLTIAO

JOY CANTOS

LINTANG BEDOL

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

POLICE DIRECTOR CHIEF SUPT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with