^

Bansa

Erap pumalag!

- Nina Butch Quejada at Angie dela Cruz -

“Hindi ako makakapa­yag na kamkamin ng pa­mahalaan ang kayama­nang pinaghirapan ko!”

Ito ang galit na sinabi kahapon ni dating Pangu­long Joseph Estrada mata­pos pumalag sa ipinalabas na forfeiture order ng San­diganbayan para bawiin ang sina­sabing nakaw na yaman niya.

Isinilbi kahapon ni San­diganbayan Sheriff Ed Urieta ang writ of execution para embargohin ang ari-arian ni Estrada tulad ng P549 million Erap Muslim Foundation, P189 million na naka­paloob sa Jose Velarde account at ang Boracay mansion sa New Manila, Quezon City.

Sinabi ni Ureta, may limang araw si Estrada para bayaran ang mahigit P5 milyong penalty dahil kung hindi mababayaran ito ay mapipilitan silang kumpiskahin ang rest­house nito sa Tanay, Rizal at ang bahay nito sa No. 1 Polk St., San Juan.

Hindi papayagan ni Estrada na makumpiska o ang writ of execution na ibinigay sa kanya ni Urieta para kumpiskahin ang kanyang mga ari-arian dahil ilalaban nila ito sa korte.

“Wala akong ninakaw ni kusing sa gobyerno,” ani Estrada.

Ayon kay Atty. Edward Serapio, magsusumite sila ng Motion to Quash sa Sandiganbayan para ma­laman ng mga ito na ku­kuwestiyunin nila ang writ of execution na ipi­nalabas ng huli dahil hindi dapat habulin ang mga personal niyang ari-arian dahil hindi ito nakalagay sa desisyon ng anti-graft court.

“Kinita niya ang mga ito sa pagiging artista niya dahil matagal na siyang gu­magawa ng mga pe­likula kaya ang bahay niya sa Polk at rest house sa Tanay ay matagal na niyang binili,” ani Serapio. 

Sinasabing nag-depreciate ang mga property ni Estrada na baba­wiin ng pamahalaan tulad ng Bo­racay mansion kaya kung hindi umano malilikom ang naturang halaga ay posible uma­nong kunin ng pama­halaan maging ang ba­hay nito sa Polk st., San Juan at resthouse nito sa Tanay, Rizal.

Ayon naman sa San­di­­ganbayan, maaari na­mang magsampa ng motion to question si Estrada sa Supreme Court hinggil dito.

“Karapatan nila na magfile ng anumang hak­bang sa Supreme Court pero ito din naman ay obligasyon ng hukuman. Kapag ganitong ang de­sis­yon ng hukuman ay final and executory na, ministerial duty na ng huku­ man ang mag-isyu ng writ of execution para ipatu­pad  ang  judgment,” ayon kay Sandi­ganbayan spokesman Atty. Re­nato Bo­car.

Sinabi ni Bocar na ang Korte Suprema ay maa­aring magpalabas ng temporary restraining order hinggil sa utos ng San­­diganbayan at maa­ari din itong magdismis sa isa­sampang petisyon kung walang makikitang merito hinggil dito.

vuukle comment

AYON

PLACE

SAN JUAN

SHY

SUPREME COURT

TANAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with