Pala-absent na pulis lagot!

Lagot na sa binan­sagang “Mamang Pulis” na  si PNP Chief Director General Avelino Razon Jr. ang mga tauhan at opisyal nito na mahilig mag-absent sa trabaho.

Ito’y matapos na iha­yag kahapon ni P/Director Edgardo Acuña, PNP Directorate for Personnel and Records Management na bawal na ang mga pala-absent na pulis kaugnay ng ipatutupad na daily accounting report ng PNP.

Ang nasabing pani­bagong patakaran ay kahalintulad ng ginagamit ng Armed Forces of the Philippines sa pagdisi­plina sa kanilang mga tauhan na binawalang umabsent o lumiban sa trabaho mali­ban na la­mang sa mga sitwasyon ng emergency.

Aniya,ang hakbang ay upang masiguro na mata­ta­pos ang problema ng pulisya sa mga pala-absent gayun­din sa mga tina­guriang 15-30.

Sa  ilalim ng direktiba ay obligado ang mga station supervisor at chief of police na bilangin ang mga tauhan nila sa kada araw bago ideploy o ikalat ang mga ito sa mga lan­sangan.

Naniniwala ang opis­yal na sa ganitong paraan ay masisiguro ng kanilang hanay na pumapasok sa kanilang trabaho ang mga miyembro ng pamban­sang pulisya at hindi na­ngongo­lekta lamang ng kanilang sweldo. (Joy Cantos)

Show comments