Supplemental impeach raps vs GMA inihain

Naghain sa Committe on Justice si United Oppo­sition (UNO) spokesman Adel Tamano para isumite ang may 38-pahinang rek­lamo laban kay Pangu­long Gloria Macapagal Arroyo dahil sa pagkaka­sangkot umano nito sa kontrober­syal na ZTE National Broad­­band Network deal, kahapon.

Sinabi ni Tamano, na hindi pa niya alam kung ang inihain niyang rekla­mo sa nasabing komite ay iin­dor­so ng opposition sa Kamara.

Gayunman, naunang naghain ng reklamo ni Iloilo Vice Governor Rolex Su­plico at ang kasama nitong abogado na si Harry Ro­ que para sa 11- pahi­nang sup­ple­mental complain laban sa nag-resign na si COMELEC Chairman Ben­jamin Abalos Sr.

Ang reklamo ni Suplico at Roque ay inayawan ni House Secretary General Roberto Nazareno dahil daw sa wala itong endor­ser at pagkakaroon ng mga bagong impormas­yon matapos nilang isama sa kaso si Arroyo.

Sinabi ni Suplico, na may mga endorser siyang ilalagay tulad nina Reps. Teofisto Guingona III, Liza Hon­tiveros, Teddy Casino at Maria Isabel Cli­maco kaya naman puma­yag si Naza­reno na tang­gapin ito.

Samantala duda si Rep. Prospero Nograles,  dahil nagtataka ito kung paano nakapaghain ng ba­gong reklamo ang oppo­sition dahil nakasaad aniya sa constitution na bawal at hindi puwedeng magdag­dag ng impeachment complain sa loob ng isang taon.

Ayon kay Nograles, na hindi maisusulong ang reklamo dahil walang sa­pat na bilang umano ang oppostion para umandar ang reklamo sa Kamara. (Butch Quejada)

Show comments