Bunsod ng patuloy na mga demolisyon sa mga iskuwater na proyekto ng administrasyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, mas dumarami na umano ang mga maralitang tagalunsod na nagiging palaboy ngayon.
Ito ang ipinahayag ni Carmen Deunida, tagapangulo ng KADAMAY o Kalipunan ng Damayang Mahihirap na nagsabi pang taliwas sa ipinangako ni Arroyo sa kanyang SONA noong 2001 na nagbibigay ang kanyang pamahalaan ng seguridad sa paninirahan sa 150,000 maralitang pamilya taun-taon ay higit umano ang nawawalan ng tirahan dahil sa patuloy na demolisyon.
Sa pag-aaral ng KADAMAY, umaabot sa 65,283 maralitang pamilya ang nakakaranas ng demolisyon sa kanilang tahanan mula sa ka lagitnaan ng taon 2006 hanggang sa unang kuwarto ng 2007.
Tinukoy ng grupo ang ginawang demolisyon tulad ng North at South Rail project.
Matindi ang ginagawang panlilinlang umano ng gobiyerno sa mga apektadong pamilya at ang publiko na mayroon umanong paglalagakan sa mga ito subalit sa reyalidad at wala umano dahil sa kawalan ng sa pat na pondong nagkakahalaga ng $82 milyon dito.
Patuloy din umano na pinalala ng korupsiyon ang kahirapan dahil sa overpricing na paniningil sa kada square meter ng loteng ina-award.
Halimbawa umano dito ang mga relocatee sa Panghulo, Malabon at Bayugo, Meycauayan, Bulacan na sinisingil ng P3,000 kada square meters samantalang nagkakahalaga lamang ito ng P800. Itinurong dahilan dito ay ang kawalan ng bidding para sa proyekto ng relokasyon. (Grace dela Cruz)