Lakas caucus ipinatawag ni GMA

Nagpatawag ng caucus ng Lakas-NUCD si Pangulong Gloria Maca­pagal-Arroyo kamaka­lawa ng gabi sa Mala­cañang upang “palaka­sin” ang koalisyon nito sa gitna ng napipintong pagha­hain ng mas ma­lakas na impeachment complaint ng oposisyon sa Kamara sa araw na ito.

Kabilang sa dumalo sa ipinatawag ng caucus ni Pangulong Arroyo ay ang chairman emeritus ng Lakas-NUCD na si dating Pangulong Fidel Ramos, House Speaker Jose de Venecia, Executive Secretary Eduardo Ermita, Sen. Juan Mi­guel Zubiri, Press Secretary Ignacio Bunye, Rep. Raul de Mar, Rep. Arturo Defensor, Rep. Prospero Nograles at Neptali Gonzales Jr.

Sinabi ni Sec. Bunye, ang layunin daw ng caucus na ipinatawag ni Mrs. Arroyo ay upang pa­lakasin lamang ang coalition ng adminis­trasyon.

Siniguro naman ng Pangulo kay Speaker de Venecia na mana­natili itong lider ng Ma­babang Kapulungan sa kabila ng umuugong na balitang nais itong pa­talsikin sa kanyang pu­westo sa pagbubukas ng sesyon sa araw na ito. (Rudy Andal)

Show comments