^

Bansa

Pondo sa newborn screening, P5-M

-

Tiniyak kahapon ni Health Secretary Francisco T. Duque III na may karagdagang pondo para madagdagan ang bilang ng mga kapapanganak pa lamang na isailalim sa newborn screening na tutukoy kung may sintomas ng mental retardation.

Kinumpirma ni Duque na mula sa dating P2 milyon pondo ngayong taon, ginawang P5 milyon ito para sa taong 2008 upang lumawak pa ang mga bata na mabebe­ nipis­yuhan nito. Ipinag-utos na rin ng Kalihim na paabutin sa 50% o higit pa ang sasakupin ng programa o aabot sa halos isang milyong mga sanggol para sa taong ito.

Layunin ng nasabing newborn screening na mabawasan ang mga sanggol na nagkakaroon ng metabolic disorder na maaaring mauwi sa mental retardation o pagkamatay ng mga ito kung hindi maaagapan.  

Paliwanag ni Duque, ang mga batang may metabolic disorders ay mukhang normal sa kanilang pagkasilang at matutukoy na lamang ang kanilang karamdaman sa kanilang paglaki, kung kailan hindi na ito maaagapan.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng oportunidad ang mga bata na makapa­muhay ng normal dahil maagang magagamot ang mga naturang sakit sa simula pa lamang na lumitaw ang mga sintomas ng mga ito at maaagapan na danasin nila ang mga irreversible effects nito.

Taong 1996 pa nang unang ipakilala sa bansa ang newborn screening ngunit taong 2000 na nang mag-isyu ang DOH ng isang administrative order na sa taong 2004, ang newborn screening ay magiging bahagi na ng standard newborn care.  

Isinasagawa ang newborn screening sa ika-48 hanggang ika-72 oras ng buhay nito o di kaya’y 24 na oras mula sa kanyang pagkasilang. Maaaring magpa-newborn screening sa mga pagamutan, lying-in clinics, rural health units at health centers sa halagang P550. (Ludy Bermudo)

DUQUE

HEALTH SECRETARY FRANCISCO T

IPINAG

ISINASAGAWA

LUDY BERMUDO

NEWBORN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with