^

Bansa

P84.7-M buwis nakolekta sa Bacoor

-

Nagbunga ang kam­panya sa pangongolekta ng buwis ng provincial government na pinamu­munuan ni Cavite Gov. Ayong S. Maliksi matapos na makapagbigay si Ba­coor Mayor Edwin “Strike” Revilla ng tsekeng nagka­ka­halaga ng P84,717,531.50 para sa 35 porsyentong bahagi mula sa real property tax at special educational fund na nakolekta ng local na pamahalaan mula Hulyo 2005 hanggang Marso 2007.

Nang manalo bilang alkalde si Revilla mata­pos talunin si ex-Mayor Jessie Castillo noong May 14 elections, kaagad na inak­syunan at pinag-utos ang pagpapalabas ng pa­unang bayad na P14,959,005.41 at ang natitirang  P69,758,526.09 ay personal niyang iniabot kay Gov. Maliksi sa gina­ nap na flag-raising cere­moniy sa kapitolyo noong Lunes ng Oktubre 22.

Bilang pasasalamat ay ipinangako ni Maliksi ang P10 milyong pondo para matulungan at paunlarin ang mga proyekto at pro­grama ni Revilla.

Kasunod nito, nakipag­tulungan na sina Jose­phine Daza, provincial treasurer at Atty. Leilani Dacanay-Grimares, provincial legal officer, kaugnay sa isinam­pang kasong kriminal at admi­nis­tratibo laban kay Cas­tillo.

Iniutos ng korte na mag­bayad ng P45,780,703.01 simula noong Hunyo 2005 -Hunyo 2006, subalit hindi umano ito sinunod ni Castillo.

AYONG S

BILANG

CAVITE GOV

HUNYO

LEILANI DACANAY-GRIMARES

MALIKSI

MAYOR EDWIN

MAYOR JESSIE CASTILLO

REVILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with