Isang dating regional trial court sa Iligan City na si Moslemen Macarambon Sr. ang itinalaga kamakalawa ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang bagong commissioner ng Commission on Elections.
Sinabi ni Presidential Spokesman at Press Secretary Ignacio Bunye na si Macarambon ay napili ng Pangulo mula sa list of nominees para punan ang bakanteng posisyon sa Comelec.
Isang interim ang ap pointment ni Macarambon dahil nakabakasyon ngayon ang Kongreso. Dadaan siya sa Commission on Appointment kapag muling nagsesyon ang Kongreso. Ang appointment papers ni Macarambon ay naipadala na ng Malacañang sa Comelec. (Rudy Andal)