^

Bansa

Cremation aprub na sa CBCP

-

Tanggap na ng Ca­tholic Bishops Confe­rence of the Philippines (CBCP) ang “cremation” ng patay na dating tinu­tutulan ng Simbahang Katoliko kung ito ang gusto ng pamilya ng namatay sa paglilibing sa kanilang mahal sa buhay.

Ayon sa CBCP, kung dati ay isang nakakali­tong isyu sa simbahan ang cre­mation, ngayon ay tang­­gap na nila ang pa­raang ito ng paglilibing ng mga Katoliko.

Nabatid pa sa CBCP Episcopal Commissiom on Liturgy (ECL) mas  pina­hahalagahan nila ang cremation bago ang funeral mass.

Naniniwala umano ang simbahan sa buhay at muling pagkabuhay ng namatay kaya dapat nitong ipagdasal ang sinunog na patay.

“When cremation pre­cedes the funeral Mass, the rite of final commen­dation and committal may be performed in the cre­matorium chapel before cremation. After crema­tion the funeral Mass may be celebrated in the presence of the cremated remains,” ayon pa sa ECL bilang ba­­hagi ng guideline ng sim­bahan sa cremation.

Gayunman, sinabi ng simbahan na sa kabila ng makabagong panahon kung saan maraming tao ang pumipili sa cremation para sa paglilibing  ng kani­lang mahal sa buhay, hinihikayat pa rin ng sim­bahan ang mga ma­ma­ma­­yan na gawin ang unang nakaugaliang pag­lilibing sa mga patay na paglalagak ng kani­lang labi sa semen­teryo. (Doris Franche)

AYON

BISHOPS CONFE

CREMATION

DORIS FRANCHE

EPISCOPAL COMMISSIOM

GAYUNMAN

SHY

SIMBAHANG KATOLIKO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with