^

Bansa

Barangay, SK bubuwagin

- Malou Escudero, Danilo Garcia -

Ipinasa na ni Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno sa Kamara at Senado ang desisyon sa panu­kala ng ilang sektor na buwagin na ang Baran­gay at Sangguniang Kaba­taan elections dahil hindi na umano ito kapa­ki-pakinabang.

Sinabi ni Puno na wala sa kanila ang desis­yon bilang “executive branch” ng pamahalaan kundi nasa mambabatas dahil kailangang suma­ilalim sa paglikha ng batas ang pagbuwag sa naturang eleksyon.

Tinutuligsa ang naga­ganap na barangay elec­tions dahil kaakibat umano nito ang karaha­san na nauuwi sa pagka­matay ng ilang opisyal at kandidato, pag-abuso sa kapangyarihan at pag­ gas­tos ng malaki ng mga kandidato manalo lang.

Sa halip na magka­roon ng eleksyon, ka­sama sa panukala ang “appointment”  na lamang ng alkalde ng isang bayan o lungsod sa magiging lider ng baran­gay upang maiwasan na ang kara­ hasan.

Pinag-aaralan na rin ng Senado ang panukala na italaga na lamang ang mga susunod na opisyal ng SK dahil na rin sa mga feedbacks na wala na­mang nagagawa ang nasabing youth organi­zation sa kani-kanilang komunidad.

Sa pahayag ni Sen. Aquilino Pimentel Jr., nagiging dahilan umano ng korupsyon sa murang isipan ng mga kabataang lider ang maagang pag­sa­bak sa politika dahil sa nagagamit lamang ang mga ito ng mas mata­tan­dang politiko sa kanilang lugar. 

Marami na umano ang nakakapuna na hindi naman nakikilahok sa mga pag-uusap na may kinalaman sa local go­vernments ang mga ka­bataan.

“Many of them are studying and they are forced to leave their barangays to attend to their schooling in the poblacion, and some other distant places. Thus, they neglect their official functions,” sabi ni Pimentel.

Marami na rin umano ang nababahala sa mga hindi magandang kalaka­ran kung saan nagiging kuwestiyonable ang pag­hawak ng public funds para sa mga SK.

Bagaman at pabor si Pimentel sa paglusaw ng SK, dapat aniya’y mag­karoon ng alternative me­chanism upang magka­roon ng kinatawan ang mga kabataan sa gobyerno.

Dahil dito, posibleng ang idinaos na barangay at SK polls nitong Oktu­bre 29 sa 43,000 baran­gay sa bansa ang maging pinakahuling halalan.

Sinabi naman ni Puno na ang nakalipas na hala­lan ang pinaka­mapayapa na naganap sa bansa. Kumpara sa Barangay elections noong 2002, 30 prosyento lamang ang naitalang krimen nga­yong halalan.

Noong 2002, nasa 70 katao ang nasawi kum­para sa naita­lang 27 nga­yong eleksyon.

AQUILINO PIMENTEL JR.

MARAMI

PUNO

SANGGUNIANG KABA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with